Wednesday, August 8, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik

       

             Ang tema ng buwan ng wika ngayon ay "Filipino: Wika ng saliksik". Maraming iba't-ibang aktibidad at ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng ating pambansang wika.

             Ang wika ng saliksik o language of research sa ingles ay nagbibigay kaalaman at pagbabalik-tanaw sa mga sinaunang mga pangyayari na dapat nating malaman sapagkat ito ang nagturo sa atin kung paano mabuhay sa kasalukuyang panahon. Sa ating araw-araw na pamumuhay, marami sa iba ang nasanay na sa wikang ingles na nagdudulot ng hindi pagkakaintindihan at ang mahirap na pagkaunawa sa mga malalalim at matatalinhagang salita. Kailangan pa nating magsaliksik upang malaman ang ibig-sabihin ng mga ito. Kailangan nating pangalagaan at paunlarin ang ating sariling wika dahil pamana ito ng ating mga ninuno. Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat nating ipreserba at pagyamanin angating sariling wika dahil ito ang simbolo ng ating pagka-pilipino. Dapat tayo ang magsilbing inspirasyon ng mga susunod na henerasyon para pagyamanin pa ang ating pambanasang wika. Tayo miso ang gagawa ng paraan para malaman ang mga dapat nating alam bilang siang Pilipino. Kasama lahat ng ito sa ating kultura at tradisyon na tayo mismomg mga pilipino ang dapat makaalam. Kailangan nating turuan ang mga mas nakababata at pati ang mga nakakatanda sa atin na respetuhin at bigyang galanag ang ating sariling wika sapagkat ito lamang ang ating maitutulong bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas.

            Ang wikang Filipino ang ating wika. Ito ang wika tungo sa kaunlaran nga ating bansa. Mula noon, hanggang ngayon. Filipino ating wikang sinilangan, dapat mahalin at alagaan para sa ikauunlad ng bansa pati na rin ang kapwa.

3 comments: